1. Libre ang sumali sa ZhyperMU Forums at nagsisilbi itong social site ng ZhyperMU. Ngayon, kung maari ay huwag kang mang-istorbo ng ibang miyembro: Huwag kang gumamit ng opensibo, pagbanta, abusado, panggulo, paninirang puri, bulgar, malaswa, may poot, sa lahi man o lipi, hindi kanais-nais o mapanira na pananalita. Iwasan ang paninira sa ibang users. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga diskusyon tungkol sa kasarian, lahi at relihiyon. Kung hindi mo masusunod ang regulasyon na ito, ikaw ang mabibigyan ng babala o infraction.

2. Kung gusto mong magbigay alam tungkol sa mga user na hacker, abusado, mandaraya o kung sino mang user na lumabag sa regulasyon sa Forums man o in-game, kung maari ay gawin ito sa Report Section, at sundan ang tamang pagrereport na nakasaad sa Report Section. Kung maari ay huwag nang gumamit ng ibang Section.Huwag kang umakto na galit o maging abusado sa user na i-report. Respetuhin ang desisyon ng staff sa kahit anu mang oras. Kung gusto mong mag-apela tungkol sa mga regulasyon, pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng bagong patunay/ebidensya sa pamamagitan ng pag-sulat via PM ( Private Message ) o kung sino man ang humahawak ng kaso. Mapaparusahan ang mga bias o mga may halong kasinungalingan na mga report sa pamamagitan ng pagbibigay ng infraction o permanenteng ban galing sa mga ZhyperMU Staff.

3. Kung kailangan mong maka-usap ang isang user o sadyang siya lamang, kung pwede gawin ito sa pamamagitan ng Private Message (PM). Huwag kang gumawa ng thread o mag post na may intensyon ng pag-tawag, iPM mo ang user at maiiwasan ang infraction. Dagdag pa dito, ang PM ay dapat maging pribado. Hindi mo pwedeng isa-publiko ito kung wala kang pahintulot mula sa user na iyong kausap.

4. Ang pagbebenta ng kahit na anung produkto ay mahigpit na ipinagbabawal. Kahit anung transaksyon na ginawa dito sa ZhyperMU Forums ay illegal. Ang ZhyperMU Forums ay nagsisilbing pampalipas oras o aliwan.Ngayon, ang mga anunsyo tungkol sa ibang MU network?s services, forums or kahit ano mang bagay na kaugnay dito ay mahigpit na ipinagbabawal. Pwede kang gumawa ng mga threads at mga diskusyon tungkol sa sa ibang laro ngunit gawin ito sa Other Games Section. Ang paglabag sa regulasyon na ito ay magreresulta ng permanenteng ban sa Forums.

5. Ang pagpapanggap, miyembro man ng staffs o hindi at may intensyon na mandaya o manggulo mula dito ay isang ilegal na paraan. Permanenteng ban ang kaparusahan sa mga ganitong gawain.

6. Regulasyon sa Chatbox: Pwede lamang ito sa mga miyembro ng ZhyperMU Legends (Premium Members), V.I.P, Forum Heroes at Staff . Ang ibang miyembro ng Forums ay walang Chatbox. Ang pag-gamit ng Chatbox ay nagsasabi na pumayag ka sa mga regulasyon na sumusunod:

- Gumamit ng Ingles na pananlita.

- Gumamit ng mga katanggap-tanggap na pananalita at ipinagbabawal ang away.

- Limitahan mo lang ang iyong sarili sa 5 mensaheng sunod-sunod. Ginagawa ito para maiwasan ang flood at spam.

- Huwag gamitin ang Chatbox para sa pagbenta o pagbili ng items in-game. Mayroon tayong Market Section para dito.

- Huwag kang gumamit ng BB Code na hindi kasama sa ibinigay ng Chatbox panel. Kasama na rito ang attaching images, modifying size fonts o kahit ano mang tipo ng code na hindi kapantay ng regular na text. Ngunit, ang mga quotes ay pwede hangga?t hindi ito inaabuso.
Ang paglabag sa mga regulasyon na ito ay magreresulta ng ban sa Chatbox at may kasamang infraction. Kung hindi magbabago pwede kang ma-ban ng permanente sa Chatbox.

7. Ang pag-abuso sa pag post ay mahigpit na ipinagbabawal at tinatawag itong spamming. Maraming paraan para mag spam at kung gusto mong maiwan ang mga problema maari lamang ay sundin ang mga sumusunod:

- Huwag isipin lagi ang dami ng post, isipin din ang kahalagahan ng iyong post. Tandaan na mas mahalaga ang iyong sinabi kaysa sa kung gaano karami ang iyong sasabihin. Ngayon, kung gaano man karami ang post mo ay hindi ito nangangahulugan na mas importante ka, ang mga importanteng salita na iyong sinabi ay mas nangangahulugan na importante ka.

- Mag post na talagang tungkol sa topic at iyon lamang ang topic hangga?t maari. Kung magpopost ka ng wala sa topic, ikaw ay mabibigayan ng warning. Kung ipagpapatuloy mo pa ang pag post ng mga off-topic na post ikaw ay mabibigayan ng infraction sa dahilan na pag-spam sa Forums.

- Mag post lang kung kinakailangan, ang pag post ng doble o mas marami pa ay tinatawag na spam. Ikaw ay mabibigayan ng infraction kung gagawin mo man ito.

- Huwag ka mang-irita ng ibang user. Spam o kahit anu mang pag-abuso sa user?s Visitor Messages ay ipinagbabawal. Warning o Infraction ay iyong matatangap kung kinakailanga.

- Bumping ay pwede lamang sa Market Section, GFX Request Zone at Guild Recruit Section at dapat sa loob ng 24 oras. Kung nag bump ka ng less than 6 oras, contact ng Moderator at ipatanggal ito. Kung hindi mo man ito gagawin ito ay magreresulta sa pag-sara ng iyong thread.

8. Ang pag-abuso ng User Reputation ay mahigpit na ipinagbabawal. Kasama narito ang trading, pagmanipula o usapan na makaka-apekto sa user?s reputation maging positibo man o negatibo. Ang reputation ay binibigay lamang kung ang post o ang thread ay sadyang mahalaga, may-gamit oginawa para sa ikabubuti ng forums sa kahit anu mang paraan. Hindi pwedeng magbigay ng reputation sa Spam Section, Guild Recruit, Guild Hall, Foreign Languages Section o sa Market Section. Ang paglabag sa regulasyon na ito may karampatang parusa:

- Ang first offense ay warning.

- Ang second offense ay tatanggalin ang kalahati ng iyong Reputation Power at tatanggalin din ang Reputation function mo sa loob ng isang linggo.

- Ang third o final offense ay tatanggalin ang Reputation Power mo at tatanggalin din ang Reputation function mo sa loob ng isang buwan. Ang mga susunod na offense pa ay katulad rin ng third offense.
9. Ang mga regulasyon sa signature.Ang signature ay nahahati sa isang sistema ng puntos na ang lahat lahat ay 7 puntos. Maraming paraan para mahati ang mga puntos.

- Limitahan lamang ng 1 Signature or Graphic, ang max dimensions ay 450 px width x 200 px height; 4 puntos.

- Limitahan lamang ng 2 Userbars; ang max dimensions ay 450 px width x 30 px height ang bawat isa; 1 puntos bawat isa.

O

- Limitahan lamang ng 2 quotes; ang max ay 2 linya bawat text; 1 puntos bawat isa

Pwedeng gumamit ng 2 Userbars at 1 Quote o vice versa. Nangangahulugan na, pwede kang gumamit ng 2 Userbars + 1 Quote o 2 Quotes + 1 Userbar. Lahat ng quote ay pwedepero limitado lamang ng 2 linya.

- Bawat linya ng text ay kalahati ng puntos na nakabasi sa font size. Kung ang font size ay 1, ito ay 0.5 puntos; kung ang font size ay 2, ito ay 2 puntos. Kung ang line ay may iba?t ibang font size, ang puntos ng linya ay nakabase sa kung gaano kalaki ang nagamit na font. Dagdag pa dito, hindi pwedeng gumamit ng font size na mas malaki pa sa #3 at ang limitadong linya ng text sa signature ay 5.

- Limitado lamang sa 2 Smiley; katumbas ng 1 o 2 puntos depende sa napiling smiley.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pag gamit ng quote or paraphrase ng ibang user; salita, gawa or kahit ano maliban kung meron kang pahintulot mula sa user. Ang pahintulot na ito ay kailangang ipakita sa Moderator. Kung hindi mo man ito gagawin ito ay magreresulta ng pagtanggal ng quote at infraction.

12. Ang pag post ng mga bagay na nakakaistorbo ay mahigpit na ipinagbabawal. Kasama na rito ang mga bagay na gruesome, pornographic at kahit anu mang bagay na hindi nababagay sa forum na ito. Ang paglabag sa regulasyon na ito ay makakatanggap ng warning/infraction o ban sa loob ng 1-3 buwan depende kung gaano kalaki ang istorbong dinulot nito.

13. Hindi ka pwedeng gumamit ng signature, avatar, userbar o kahit anu mang bagay na pagmamay-ari ng ibang user nang walang pahintulot. Ang mga user na gumawa ng mga bagay na ito ay may karapatan kung anu man ang gusto nilang gawin dito. Kapag ang user na may-ari ay nag report at nagbigay ng matibay na patunay/ebidensya na ang bagay na iyon ay kanya at ginamit mo ng walang pahintulot mula sa kanya. Maari mong matanggap ang mga parusa na sumusunod.

First offense: Infraction
Second Offense: 2 linggo na ban
Third Offense: 1 buwan na ban
Fourth/Final Offense: 2 buwan na ban. Ang mga susunod na offense ay ban sa loob ng 3 buwan.
Hindi ka pwede magnakaw ng kahit anung signature, avatar, userbar or kahit anung bagay na pagmamay-ari ng iba. Ang mga may-ari ng ay may karapatan sa kanya mga ginawa. Kung ang user na may-ari ay nag report at nagbigay ng matibay na patunay na ang kanyang gawa ay ninakaw at napatunayan na kanya iyon, Maarmi mong matanggap ang mga parusa na sumusunod:

First Offense: 2 linggo na ban ng iyong account
Second Offense: 3 buwan na ban ng iyong account
Third /Final Offense: Permanenteng ban ng iyong account
14. Magbigay ng respeto sa ZhyperMU Staff. Ang ZhyperMU Staff at lahat ng miyembro nito ay nagtratrabaho ng libre sa Forum o in-game at nagbibigay ng saya sa lahat ng walang kahit anu mang kapalit. Anu mang bagay na nagpapakita ng hindi pag respeto sa ZhyperMU staff ay mabibigyan ng kaparusahan. Kung meron ka mang hindi gusto sa kanila, meron kang kalayaan na makipag-usap sa pamamagitan ng PM. Kung ayaw mo naman gawin ito, pwede ka ring makipag-usap sa superior: para sa mga Moderators, pwede mong kausapin ang Lead Moderator; para sa mga Game Master, pwede mong kausapin ang Head Game Master. Kung ayaw mo naman maka-usap ang Lead Moderator o Head Game Master, pwede mong kausapin ang Community Manager. Kung ayaw mo namang kausapin ang Community Manager, Lead Moderator o Head Game Master, pwede mong kausapin ang Administrators.

15. Ang pag-gamit ng mga salitang opensibo ay makakatanggap ng warning. Pag 2 warnings na ang iyong natanggap ang Legend tag mo ay tatanggalin, pemanente o sa loob lamang ng maiksing
panahon (depende kung gaano kalaki ang iyong nagawa). Ibibigay namin ang buong atensyon hindi lamang sa General Forum post maging sa Chatbox din.

Dagdag pa sa mga ZhyperMU Forums na ito, maraming Forum Section ang may mga sariling regulasyon. Responsibilidad ng isang user na basahin at intindihan ang mga regulasyon na iyon bago mag post. Responsibilidad din ng isang user na maging updated sa lahat ng mga bagong regulasyon na ginagawa dito sa Forum Rules.


Credits to Kenny, Amba and Luigi for the translation!